^

Police Metro

Totoy tumanggi sa sex sinaksak ng 20 beses

Pang-masa

MANILA, Philippines – Namatay noon din ang isang 9-an­yos na batang lalaki matapos na saksakin sa dibdib ng 20 beses nang tumanggi sa alok na sex ng adik na pedopilya  kamakalawa sa Cagayan de Oro City.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Cairistian “CJ” Balquin, residente ng Brgy. Nazareth ng lungsod dahil sa tinamong 20 saksak sa dibdib mula sa dalawang patalim na ginamit.

Agad ding naaresto ang suspek na si Alfonso Dy Dadole III, 46-anyos, apo ng namayapang si dating Misamis Oriental Gov. Alfonso Dadole.

Lumalabas sa im­bestigasyon, pasado alas-9:00  ng umaga ay kalaro ng biktima ang kanyang nakababatang kapatid nang tawagin siya ng suspek at pinipilit na makipag-sex sa kaniya.

Nang tumangggi ang biktima ay pinagsasampal at pinagsasaksak ito ng suspek na nasaksihan ng nakababatang kapatid ng biktima.

Wala itong magawa sa patuloy na pag-unday nang saksak ng suspek sa kuya kaya’t umiiyak itong napatakbo sa paghingi ng saklolo sa kanilang mga kapitbahay.

Nagresponde naman ang mga opisyal ng barangay kasama ang mga kapitbahay ng biktima, subalit patay na ang bata sa loob ng kuwarto ng suspek ng kanilang abutan.

Sinabi ng suspek na lulong umano siya sa droga nang gawin niya ang  krimen.

vuukle comment

ACIRC

ALFONSO DADOLE

ALFONSO DY DADOLE

ANG

BALQUIN

BRGY

CAIRISTIAN

KINILALA

LUMALABAS

MISAMIS ORIENTAL GOV

ORO CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with