^

Police Metro

4 turista sugatan sa hampas ng alon habang nagpapa-picture sa dagat

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasugatan ang apat na lokal na turista makaraang hampasin ng mala­laking alon at humagis sa may batuhan sa tabing dagat ng Baler, Aurora habang nagse-selfie sa dagat nitong Biyernes Santo ng hapon.

Sinasabing tumama sa matutulis na bato ang mga biktima dahilan sa sobrang lakas ng alon na sunud-sunod na humampas sa mga ito kung saan agad isinugod sa pagamutan.

Batay sa ulat, bandang alas-4:00 ng hapon habang nagse-selfie sa alon ang grupo ng mga biktima sa harapan ng isang resort sa Sitio Digisit,  Brgy. Sabali, Baler nang tangayin at ihampas ng malalaking alon sa may batuhan ang apat sa mga ito.

Una nang nagbabala ang mga ahensya ng pamahalaan sa pangu­nguna ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na iwasan na muna ang pagswi-swimming partikular na sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Chedeng na magla-landfall sa Baler,  Aurora. - Joy Cantos-

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BATAY

BIYERNES SANTO

BRGY

CHEDENG

JOY CANTOS

MGA

NASUGATAN

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

SITIO DIGISIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with