^

Police Metro

All-out offensive ng AFP tinuldukan na... Lider ng BIFF napatay sa bakbakan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay ng tropa ng pamahalaan ang 12 pang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) kabilang ang kanilang lider na si Yusoph Abesalih alyas Commander Bisaya noong Marso 29.

Si Commander Bisaya ay sangkot umano sa pagmasaker sa 44 Special Action Force (SAF) commandos na nakorner sa bakbakan sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Pio Gregorio Catapang Jr., bukod sa napatay na BIFF ay nasugatan din ang nasa  14 BIFF habang dalawa naman ang nadagdag na sugatan sa hanay ng mga sundalo.

Sa panig ng AFP, sampung sundalo ang namatay at mahigit 30 ang nasugatan.

Ang bakbakan ay sumiklab dakong alas-9 ng umaga sa Brgy. Mala­ngog, Datu Unsay at bandang alas -9:50 naman ng umaga sa Brgy. Pamalian, Shariff Saydona; pawang sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakasagupa ng Army’s 6thScout Ranger Company sa pamumuno ni Captain Blas Alsiyao ang grupo ng BIFF rebels sa pamumuno ni Comander Bungos  na nasundan naman ng panibagong bakbakan.

Matapos na maiskoran at mapababa na ng mahigit 50% ang puwersa, inihinto na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang all out offensive laban sa mga rebeldeng BIFF  sa Central Mindanao na kung saan ay nasa 151 BIFF ang nasawi at 65 ang nasugatan habang 12 pa ang nasakote simula noong Pebrero 21.

Gayunman, aminado si Catapang na nabigong masakote ang wanted na teroristang si Abdul Basit Usman matapos itong makatakas sa SPMS (Salvo, Pagatin, Mamasapano at Shariff Aguak) area.

 

vuukle comment

ABDUL BASIT USMAN

ANG

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

BRGY

CAPTAIN BLAS ALSIYAO

CENTRAL MINDANAO

CHIEF OF STAFF GEN

COMANDER BUNGOS

COMMANDER BISAYA

DATU UNSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with