^

Police Metro

4 minero tiklo sa nakaw na ginto

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng apat na minero matapos itong arestuhin ng pulisya dahil sa pagnanakaw ng saku-sakong ‘gold ores’ sa isang minahan sa bayan ng Itogon, Benguet, ayon sa opisyal kahapon.

Sa ulat ng Cordillera PNP na isinumite sa Camp Crame, kinilala ang  mga suspek na sina Winston Agwayas, 26; Jeffrey Soriano, 27; Cyrus Cudal, 24; at si Jeffrey Daluson, 21, mga nakatira sa Barangay Kias, Baguio City.

Ayon sa imbestigasyon, ang mga suspek ay naaktuhang nagnanakaw ng ilang sako ng ‘gold ores ‘ sa load shaft, Level 1700 underground sa Acupan, Virac, Itogon, Benguet.

Ang mga ito ay ina­resto ng mga security guard at ng mga operatiba ng Itogon-PNP.

Hindi na nakapalag ang mga suspek matapos na makorner ng mga awtoridad sa akto ng pagnanakaw.

Kaugnay nito, inatasan ni Cordillera Regional PNP Director Isagani Nerez  ang lahat ng police stations sa kaniyang rehiyon na paigtingin pa ang anti-criminality campaign.

vuukle comment

BAGUIO CITY

BARANGAY KIAS

BENGUET

CAMP CRAME

CORDILLERA REGIONAL

CYRUS CUDAL

DIRECTOR ISAGANI NEREZ

ITOGON

JEFFREY DALUSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with