Babaerong sekyu dakip sa pagpatay sa ka-live in
MANILA, Philippines – Nalutas na ang kasong pagpatay sa biktimang si Arlene Mediavilla, 39, treasurer ng Barangay 390, Zone 40, District 3 at residente no. 913 R. Hidalgo matapos na arestuhin ang suspek na si Gabriel Ambuyot, 42-anyos, may-asawa at lover ng biktima at security officer ng Agilex Security Agency Inc., nakatalaga sa National Power Corporation (NAPOCOR), residente ng Olivares Compound, San Dionisio, Parañaque City.
Ang pagkakaaresto sa suspek ay matapos na makita sa closed circuit television (CCTV) na huling taong nagtungo sa bahay ng biktima bago ito natagpuang patay.
Ayon sa imbestigasyon madalas umanong mag-away ang biktima at suspek dahil dumating mula sa ibang bansa kamakailan ang nobya ng suspek.
Bukod naman sa nobya ay may-asawa din ang suspek at ka live in ng biktima.
- Latest