^

Police Metro

Personal na gamit ng SAF ibalik din

Pang-masa

MANILA, Philippines - Muling iginiit ni Sena­tor Ralph Recto na dapat bawiin din ng gobyerno ang mga personal na gamit ng mga pulis katulad ng mga cellphones, wedding rings, at mga pitaka ng SAF 44, ito ay matapos na pormal na  ibalik ng Moro Islamic Liberation Front kahapon ang mga armas.

Naniniwala si Recto na mahalaga sa pamilya ng mga napaslang na SAF na maibalik sa kanila ang mga personal na gamit ng mga mahal nila sa buhay.

“Sana maisauli din ang mga personal effects ng SAF 44 tulad ng cellphone, relo, wedding rings, pitaka na naglalaman ng mga litrato ng kanilang mga mahal sa buhay,” ani Recto.

Ang mga baril ay pag-aari ng gobyerno pero ang mga personal na gamit ay tiyak na mas gugustuhing makuha ng mga naiwang pamilya.

Kung hindi minsanan ang gagawing pagbabalik ng mga baril, dapat kasama sa mga susunod na isosoli ang mga personal na gamit ng mga napatay na SAF.

Dapat din aniyang magkaroon ng protocol sa pagbabalik ng mga gamit lalo pa’t 16 na baril pa lamang ang naisosoli dahil may napabalitang 139 body armors, GPS tracker units, hand grenades at night vision goggles ang nawawala.

“Dapat maklaro rin kung alin, ilan at anu-ano ang mga natangay ng BIFF (Bangsamoro Islamic Freedom Fighter).  Hindi pwedeng i-charge sa mga sibilyan ang ibang nawawalang mga gamit,” pahayag ni Recto.- Malou Escudero-

vuukle comment

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTER

DAPAT

GAMIT

MALOU ESCUDERO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NANINIWALA

RALPH RECTO

SANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with