^

Police Metro

Mga batang mag-aaral nire-recruit ng NPA rebels

Pang-masa

MANILA, Philippines - Naalarma ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa nabulgar na pagre-recruit ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa mga elementary pupils sa kanilang mga balwarte.

“Nababahala kami sa panlilinlang ng mga NPA sa mga eskuwelahan”, pahayag ni AFP Public Affairs Office (AFP-PAO) Chief Lt. Col. Harold Cabunoc.

Ang naitalang pinakahuling insidente  ay ang ginawang pagpapakalat ng mga subersibong dokumento at mga babasahin ng mga rebeldeng NPA sa silid-aralan ng Tanulong Elementary School sa Tanulong, Sagada, Mountain Pro­vince kamakailan.

Kinondena ni Cordillera Police Director P/Chief Supt. Isagani Nerez ang pagiging desperado ng kilusang komunista at pati mga bata ay nilalason na ang isipan upang gawin itong susi sa recruitment ng kanilang grupo.

Nabatid na nagulat na lamang ang mga ele­mentary pupils partikular na sa Grade V at Grade VI at pagpasok nila kinaumagahan ay may mga nakasingit sa pintuan at bintana na mga subersibong babasahin.

Nakapaloob sa nasabing mga dokumento ang dalawang set ng Bayan pamphlets na tumutuligsa sa mga sundalo na kalaban ng umano’y makataong rebolusyon na tagapagtanggol ng mamamayan, korapsyon umano sa gobyerno partikular na noong pana­nalasa ng bagyong Yolanda sa Visayas Region noong Nobyembre 2013, presensya ng mga sundalong Kano sa Pilipinas at iba pa.

Nanawagan rin ang opisyal sa mga magulang na bantayan at gabayan ang kanilang mga anak upang hindi maligaw ng landas dahilan sa anupamang recruitment ng NPA rebels sa mga kabataan sa alinmang panig ng bansa. - Joy Cantos-

 

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CHIEF LT

CHIEF SUPT

CORDILLERA POLICE DIRECTOR P

GRADE V

HAROLD CABUNOC

ISAGANI NEREZ

JOY CANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with