^

Police Metro

Kumanta ng ‘Hanggang’… kelot dinos-por-dos, dedo

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagpapalo ng dos-por-dos hanggang sa mapatay ang isang 40-anyos na lalaki ng di umano’y limang kabataang lalaki, isang oras matapos itong umawit ng “Hanggang “ ni Wency Cornejo, sa isang binyagan  sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Agaw buhay nang mamataan sa  riles sa Laguna Extension, Tondo  ang  biktimang si Gilbert Martinez, residente ng No.  725 Laong-Nasa st., Tondo, Maynila.

Sa report ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktima ay galing sa pabinyag ng anak ng kaniyang pinsan nang matagpuan itong duguan dakong alas-7:16 ng gabi, kamakalawa, kaya mabilis na isinugod sa Tondo Medical Center ngunit idineklarang dead-on-arrival.
Sa impormasyon, ginabi  umano ang biktima at pinakahuli pa umano itong kumanta ng “Hanggang” ni Wency Cornejo saka umalis. Gayunman, may nakakita umanong limang kabataang lalaki ang kumuyog sa biktima at pinagpapalo ng dos-por-dos.

vuukle comment

AGAW

GAYUNMAN

GILBERT MARTINEZ

HANGGANG

LAGUNA EXTENSION

LAONG-NASA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

TONDO MEDICAL CENTER

WENCY CORNEJO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with