Disyembre 29 hindi holiday
MANILA, Philippines – Hindi idinedeklarang special non-working holiday ni Pangulong Benigno Aquino III ang December 29 (Lunes).
Ito ang sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., na kahit ipit ang Dec. 29 ay regular working day ito para sa government at private offices.
Anya, hindi nakagawian ng Aquino administration na magdeklara ng special non-working holiday kapag ‘sandwich’ ang araw tulad ng nakaraang administrasyon.
Aniya, ang deklaradong holiday lamang ay ang Dec. 24 (special non-working), Dec. 25 (Christmas Day), Dec. 26 (special non-working holiday), Dec. 30 (Rizal Day), Dec. 31 (special non-working holiday, Jan. 1 (New Year’s Day) at Jan. 2 (special non-working holiday).
Bukod dito, nagdeklara na rin si Pangulong Aquino ng special non-working holidays sa Metro Manila para sa Papal visit sa susunod na buwan.
Idineklarang special non-working holidays ang Jan. 15-16 at 19 sa Metro Manila kaugnay na rin ng pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas.
- Latest