^

Police Metro

Mister ‘di nabigyan ng pera ni misis, nagtangkang mag-suicide

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Posible anya na naburyong ang isang mister nang talakan ng kanyang misis at hindi bigyan ng pera kaya’t umakyat ito sa poste ng kuryente at nagtangkang tumalon naganap kahapon sa Navotas City.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso si Cris Dansangan, 30, ng Alejandro Compound, Barangay San Jose ng dahil sa ginawa nitong pambubulahaw sa kanilang lugar.

Batay sa ulat, dakong alas-9:10 ng umaga ng akyatin ni Dansangan ang poste ng Meralco at nagtangkang tumalon.

Nagkataon na napadaan sa lugar si Ma­yor John Ray Tiangco at kinumbinsi si Dansangan na bumaba at huwag ituloy ang binabalak nitong pagtalon.

Makalipas ang higit sa tatlumpung minutong pakikipag-usap at sa tulong ng mga rescue team ay naibaba din si Dansangan at dinala sa ospital upang ipasuri.

vuukle comment

ALEJANDRO COMPOUND

BARANGAY SAN JOSE

BATAY

CRIS DANSANGAN

DANSANGAN

JOHN RAY TIANGCO

MAKALIPAS

MERALCO

NAGKATAON

NAVOTAS CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with