^

Police Metro

Dalawang PO1 dinakip sa indiscriminate firing

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga pulis ang dalawa nilang kabaro na inireklamo ng walang habas na pagpaputok ng kanilang baril kamakalawa sa Pagadian City.

Ang mga inarestong pulis ay kinilalang sina  PO1 Razul Lawi, 32, nakatalaga sa Pitogo Police at PO1 Tay Julius Sta. Teresa, nakadestino naman sa Regional Public Safety Battalion (RPSB) ng ARMM Police na kinasuhan kahapon ng umaga sa City Prosecutors Office ng kasong alarm and scandal at indiscriminate firing.

Batay sa ulat, dakong alas-3:30 ng madaling-araw ay walang habas na nagpaputok sa ere ang dalawang pulis matapos na  makipagtalo sa mga guest relations officers ng KTV Bar sa panulukan ng Sanson Street at Pajares Avenue sa Brgy. San Pedro ng lungsod.

Nang magresponde ang mga pulis ay tinangkang tumakas ng dalawang suspek kaya’t  hinabol ang mga ito hanggang sa maaresto.

vuukle comment

BATAY

CITY PROSECUTORS OFFICE

PAGADIAN CITY

PAJARES AVENUE

PITOGO POLICE

RAZUL LAWI

REGIONAL PUBLIC SAFETY BATTALION

SAN PEDRO

SANSON STREET

TAY JULIUS STA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with