^

Police Metro

Military truck nabangin: 4 todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang tatlong miyembro ng Philippine Marines at isang civilian employee habang anim pa ang nasugatan nang ang kanilang sinasakyang military truck ay nahulog sa bangin kahapon ng umaga sa zigzag road ng  Ternate, Cavite.

Tumanggi muna na tukuyin ang pangalan ng mga nasawing biktima dahil kailangan pang impormahan ang pamil­ya ng mga ito.

Sa ulat na natanggap ni Marine Col. Edgard Arevalo, spokesman ng Philippine Navy, dakong alas-9:30 ng umaga ay sakay ang siyam na personnel ng 3rd Philippine Marine Corps at isang empleyadong sibil­yan ng M35 (six by six) truck at pabalik na sana sa Marine Base Gregorio Lim matapos mamalengke nang mangyari ang aksidente.

Nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver pagdating sa zigzag road ng Kantuba Hill  na umanoy dahilan para ito ay mahulog sa bangin na tinatayang nasa 40-50 talampakang lalim.

Dalawa sa mga enlisted Marine at isang sibilyan ang agad nasawi habang ang isang sundalo ay idineklarang dead-on-arrival sa San Lorenzo Hospital sa Naic, Cavite.

“We mourn the loss of 3 Phil Marine Corps personnel and a civilian employe who are all stationed in Marine Base Gregorio Lim in Ternate, Cavite”, pahayag ni Arevalo. 

  Ang anim pang mi­yembro ng Philippine Marines na nasugatan ay kasalukuyan ng ginagamot sa Station Hospital at sa San Lorenzo Hospital sa Naic, Cavite at nasa mabuti nang kalagayan.

 

vuukle comment

CAVITE

EDGARD AREVALO

KANTUBA HILL

MARINE BASE GREGORIO LIM

MARINE COL

NAIC

PHILIPPINE MARINES

SAN LORENZO HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with