^

Police Metro

Nagtalo sa pasahe: Bus driver dedo sa pasahero

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dead-on-the-spot ang isang 35-anyos na bus driver nang ito ay barilin sa ulo ng nakatalong pasahero tungkol sa mataas na pasahe kamakalawa sa bayan ng Ramon Magsaysay, Zamboanga del Sur.

Ang nasawi ay kinilalang si Dominico Concordas, 35 anyos, driver ng Rural Transit Bus. Habang hindi pa kilala ang suspek na agad tumakas.

Batay sa ulat, alas-12:30 ng tanghali ay minamaneho ng biktima ang bus (JVH-339) ang  kahabaan ng national highway ng nasabing lugar nang pumara ang suspek at sumakay.

Umupo sa ikatlong hanay ng upuan ang suspek at hindi pa nagtatagal ay nagtalo na sila ng biktima tungkol sa pasahe.

Biglang pumara ang suspek at nang ihinto ng biktima ang bus ay siya namang pagbunot ng baril ng suspek at bago bumaba ay binaril ang biktima sa ulo.

vuukle comment

BATAY

BIGLANG

BIKTIMA

DOMINICO CONCORDAS

HABANG

RAMON MAGSAYSAY

RURAL TRANSIT BUS

SUSPEK

UMUPO

ZAMBOANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with