^

Police Metro

Opisyal ng DOF namimiligro

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang opisyal ng Department of Finance ang nalalagay sa balag ng alaganin makaraang tawagin niyang umanong kalbo si Pangulong Noynoy Aquino sa pulong ng kanyang staff sa One Stop Shop Interagency Tax Credit and Duty Drawback Center (OSS-Center), isang ahensiya sa ilalim ng Finance Department.

Nakaabot sa Malacañang ang pagbibiro at padaskol-daskol na pahayag ni Shiela Castaloni, officer-in-charge ng OSS-Center, ayon sa DOF source.

Ang pambabansag  ni Castaloni  ay ibinulaslas nito ng harapan sa kanyang staff makaraan umalis kamakailan ang Pangulo para sa  12-day working visit sa Europe at United States, hayag pa ng DOF source.

Malakas na binasa ni Castaloni sa pulong ang isang liham mula sa isang export firm na nagsasabi na siya (Castaloni) ay isa lang “OIC” ng OSS-Center, isang ahensiya ng DOF na nagpo-proseso ng lahat ng aplikasyon sa tax credit certificates (TCCs).

Sa pagkaasar umano sa pahayag ng isang manager ng export firm ay sinabi ni Castaloni sa kanyang staff, “Pagdating ni Kalbo, bababa na ang appointment papers  bilang executive director (ng OSS-Center)”.

Nabigla ang OSS-Center staff personnel sa di inaasahang pangungusap patungkol  sa Pangulo.

Nang tawagan ang opisina ni Castaloni para sa kanyang panig ay isang staff nito ang nagsabi na wala umanong siyang nababalitaan na nagbiro ang kanyang hepe patungkol sa pangulo.

 

vuukle comment

CASTALONI

DEPARTMENT OF FINANCE

DRAWBACK CENTER

FINANCE DEPARTMENT

ISANG

PANGULO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

SHIELA CASTALONI

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with