^

Police Metro

Tulak na hindi nakapag-remit, itinumba

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinumba ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo ang isang lalaki na umano ay drug pusher matapos umanong hindi mag-remit sa pinagbentahan ng droga kahapon ng madaling araw sa  Parañaque City.

Hindi na umabot ng buhay sa Protacio Medical Hospital ang biktimang si Romeo De Jesus, 40, jobless at naninirahan sa Riverside 1, Barangay Tambo dahil sa tinamong 19 na tama ng bala ng kalibre .45 baril sa ibat ibang parte ng katawan.

Sa imbestigasyon, alas-2:00 ng madaling-araw ay nakatayo sa tapat ng kanyang bahay ang biktima nang biglang sumulpot ang dalawang lalaki na magkaangkas sa isang kulay pulang motorsiklo na walang plaka at walang salitang pinagbabaril ang una.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang biktima na kilalang drug pusher sa kanilang lugar ay hindi umano nakapag-remit ng pera na pinagbentahan ng droga sa kanyang amo kaya’t ito ay itinumba.

vuukle comment

ARAW

BARANGAY TAMBO

ISANG

ITINUMBA

LALAKI

LUMALABAS

PROTACIO MEDICAL HOSPITAL

ROMEO DE JESUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with