^

Police Metro

Pinagbabaril sa harap ng barangay hall... ambush: Kagawad, driver todas

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa tapat mismo ng barangay hall pinagbabaril at napatay ang isang kagawad at driver nito ng apat na kalalakihan kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Kagawad Conrado Cruz, 68-anyos, dati ring barangay chairman ng Barangay 12, at driver nitong si Jonathan Gonzales, 40-anyos.

Batay sa ulat, dakong alas-8:45 ng umaga ay kararating lamang ng mga biktima sa barangay hall na matatagpuan sa Bangayngay St., upang dumalo sa isang pagpupulong.

Bababa pa lamang si Cruz sa kanyang Isuzu Crosswind (PQW-674) nang lapitan ng mga susupek at agad na paputukan ng malapitan sa ulo.

Habang ang isa sa mga suspek ang bumaril sa driver nitong si Gonzales.

Tiniyak ng mga gunman na hindi na bubuhayin pa ang biktima nang muli itong pagbabarilin kahit nakabulagta na.

Sumabay sa pagtakas ang mga suspek sa mga nagtatakbuhang residente.

Narekober sa crime scene ang mahigit 20 basyo ng kalibre .45 at kalibre. 40.

Nabatid na mahigit isang dekadang nagsilbi bilang chairman ng Barangay 12 si Cruz at tumakbo na lamang bilang kagawad nitong 2013 dahil sa tapos na ang termino.

vuukle comment

BABABA

BANGAYNGAY ST.

BATAY

CALOOCAN CITY

CRUZ

GONZALES

ISUZU CROSSWIND

JONATHAN GONZALES

KAGAWAD CONRADO CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with