^

Police Metro

5 buwan buntis sinuntok sa sikmura ng lover

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinangangambahang nalaglag ang nasa sinapupunan ng isang 30-anyos na ginang matapos na siya ay suntukin sa sikmura ng live -in partner habang sila ay nagtatalo kahapon ng madaling-araw sa kanilang bahay sa Tondo, Maynila.

Ang suspek na nakakulong sa presinto matapos na ireklamo ay kinilalang si Mark Castillo, ng no. 2937 Lico St., Tondo.

Batay sa reklamo ng biktima na itinago sa pangalang Andrea, 5 buwang buntis, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang mag-away sila ng suspek sa hindi pa malamang kadahilanan at ilang sandali ay sinuntok ang una ng suspek sa sikmura.

Nang magpasaklolo ang ginang sa kanilang barangay dahil sa sakit ng tiyan at umaagos  na dugo mula sa ari ay dinala ito sa nasabing ospital habang ang suspek naman ay agad na kinuha sa kanilang bahay ng ilang barangay tanod at dinala sa presinto.

 

vuukle comment

ANDREA

ARAW

BATAY

KANILANG

LICO ST.

MARK CASTILLO

MAYNILA

NANG

PINANGANGAMBAHANG

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with