^

Police Metro

Electrician hulog mula sa ika-6 palapag ng gusali

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Halos nalasog at nagkabali-bali ang katawan ng isang 42-anyos na electrician matapos itong mahulog mula sa ikaanim na palapag ng isang gusali naganap kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Ang biktima na binawian ng buhay habang ginagamot  sa San Juan De Dios Hospital ay kinilalang si Joaquin Alfonso, ng Imus, Cavite.

Sa ulat, bago ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling-araw ay nasa ika-6 palapag ang biktima ng AMIO Builders na matatagpuan sa Conrad Manila, kanto ng  Block 2, Central Business Park ng lungsod na nabanggit.

Nakasampa ang biktima sa duyan upang maglagay ng mga kawad ng kuryente nang biglang  mawalan ito ng balanse dahilan upang mahulog ito at bumagsak sa ika-anim na palapag.

Isinugod ang biktima ng kanyang  mga kasamahan sa pagamutan, subalit makalipas ang ilang minuto ay binawian din ito ng buhay.

vuukle comment

BIKTIMA

CAVITE

CENTRAL BUSINESS PARK

CONRAD MANILA

ISINUGOD

JOAQUIN ALFONSO

NAKASAMPA

PASAY CITY

SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with