^

Police Metro

Deniece, Reyes at Napoles magkakakosa na… Cedric Lee sa Camp Bagong Diwa na!

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa Bureau of Jail Mana­gement and Penology (BJMP), Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City bumagsak si Cedric Lee at isa pang akusado matapos ibasura ng korte ang kahilingan ng mga ito na huwag silang ilipat ng kulungan o manatili sila sa pasilidad ng National Bureau of Investigation Division (NBI).

Sa pahayag  ni BJMP spokesperson Inspector Aris Villaester, ala-1:30  kahapon ng hapon  nang dumating  sa Camp Bagong Diwa ang convoy ng NBI at inihatid nila si Lee kasama ang isa pang akusado na  si Simeon Raz.??

Bilang bahagi ng pro­seso, muling kinunan ng mugshot, finger prints at medical records sina Lee at Raz.??

Aniya, isang linggong mananatili sina Lee at Raz sa isolation room bago ilipat sa regular na kulungan at makakasama ang mga pa­ngkarinawang bilanggo.?

Sina Lee at Raz ay kapwa akusado sa kasong serious illegal detention at grave coercion  na isinampa sa kanila ng TV host/actor Vhong Navarro matapos nilang gulpihin ito noong Enero 22 ng taong kasalukuyan sa condo unit ni Deniece Cornejo,  na matatagpuan sa Bonifacio Global City, Taguig City.??

Makakasama na rin nina Atty. Gigi Reyes at Janet Lim Napoles si Cornejo dahil kasamang ibinasura ng Taguig City Regional Trial Court (RTC) Branch 271 ang apela ni Cornejo sa parehong mga  kaso, para makapanatili sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) faci­lity sa Camp Crame.

Kung kaya’t anumang oras ay inaasahang ililipat na rin si Cornejo sa kulungan ng BJMP sa Camp Bagong Diwa,  Bicutan, Taguig City.

vuukle comment

BICUTAN

BONIFACIO GLOBAL CITY

CAMP BAGONG DIWA

CAMP CRAME

CEDRIC LEE

CORNEJO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

RAZ

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with