^

Police Metro

Motorsiklo sumemplang, 2 bebot tigok, 1 kritikal

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dedo ang dalawang babaeng estudyante habang kritikal ang kondisyon ng isa, nang sumemplang ang motorsiklong sinasakyan ng mga ito sa Ayala Bridge, sakop ng San Miguel, Quiapo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot ang mga biktimang sina Sheranebeth Ocampo Y Gedor, 20, estudyante ng  Philippine College of Health and Sciences Inc at residente ng no. 263 Area-H Parola Compound, Tondo at  Jenee Anne Lingal, estudyante ng National Teachers College at residente ng no. 356 P. Casal St., Quiapo, Manila, habang kritikal  ang kondisyon ni Jane Margarita Lastrollo  Y Adan, 21, estudyante din ng National Teachers’ College at residente ng  no. 165 Santolan Road, West Crame, San Juan City sa Philippine General Hospital.

Sa ulat ng pulisya ang insidente ay naganap  dakong alas-11:00 ng gabi ng Huwebes sa  Ayala Bridge kung saan mabilis umanong minamaneho ni Ocampo ang Kawasaki (6066-HZ) habang angkas nito sina Lingal at Lastrollo. Dahil sa basa ang kalye ng tubig-ulan ay naging madulas ito sa gulong kaya sumemplang at humampas sa gutter ang ulo ni Ocampo, habang ang dalawa nitong angkas ay tumilapon at lumagapak naman sa bangketa.

Batay din sa ulat, pawang nakainom ang tatlo na posibleng dahilan din kaya hindi nakontrol ni Ocampo ang pagmamaneho.

vuukle comment

AREA-H PAROLA COMPOUND

AYALA BRIDGE

CASAL ST.

JANE MARGARITA LASTROLLO

JENEE ANNE LINGAL

NATIONAL TEACHERS

NATIONAL TEACHERS COLLEGE

OCAMPO

PHILIPPINE COLLEGE OF HEALTH AND SCIENCES INC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with