^

Police Metro

Pagkatapos tumira ng droga... Sanib: misis inutas ng mister

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa epekto ng tinirang droga kaya’t naging pakiramdam ng isang mister na sinaniban siya ng masamang espiritu at tinaga at napatay ang misis kamakalawa sa Port Area, Maynila.

Ang biktima na nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Medical Memorial Hospital ay kinilalang si Monica Bañez, 56.

Agad namang naaresto ang suspek na si Arsenio  Banez, 56, kapwa residente ng  Procter and Gamble, 2-3 Area 7, Gawad Kalinga  Village, Baseco Compound Port Area, Maynila.

Sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon  ay naglalaro ng bingo ang biktima kasama ang mga kapitbahay sa  Area 6 at Area 7 sa Gawad Kalinga sa Port Area.

Dito ay dumating ang suspek na armado ng jungle bolo at laking gulat na lamang ng mga tao sa bingohan nang pagtatagain ang misis nito sa tiyan.

Ayon sa suspek na may bumubulong sa kanya na patayin ang misis kaya’y ginawa niya ito.

May hinala ang pulisya na bangag sa droga ang suspek at nagha-hallucinate ito na sa tingin niya ay kaaway ang kanyang misis.

vuukle comment

AREA

ARSENIO

BASECO COMPOUND PORT AREA

GAT ANDRES BONIFACIO MEDICAL MEMORIAL HOSPITAL

GAWAD KALINGA

MAYNILA

MONICA BA

PORT AREA

PROCTER AND GAMBLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with