^

Police Metro

Bagong promote sa trabaho itinumba ng tandem

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dead on the spot ang isang 42-anyos na bagong promote bilang assistant supervisor ng Manila Toll Expressway System (MATES) nang barilin sa ulo at katawan ng angkas sa  isang motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa Muntinlupa City.

Ang nasawi ay kinilalang si Rodelio Umali, residente ng Building 1-104 Sambahayan Rawis Chesa St.,  Tondo, Maynila.

Sa ulat, alas-4:30 ng madaling araw ay sakay ang biktima ng kanyang minamanehong Kawasaki Rouser (7748-TQ) at binabagtas ang kahabaan ng Commerce Avenue nang sundan ito  ng dalawang lalaking magka-angkas sa isang motorsiklo at kapwa nakasuot ng helmet.

 Pagsapit sa kanto  ng East Asia Drive Avenue, Filinvest Corporate City sa Alabang ay binaril ito ng angkas at pagbagsak ng biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Nakikipag-ugnayan na ang pulisya sa dalawang fast food chain sa naturang lugar na may nakakabit na CCTV upang makahingi ng kuha sa nangyaring krimen.

 

vuukle comment

ALABANG

COMMERCE AVENUE

DRIVE AVENUE

FILINVEST CORPORATE CITY

KAWASAKI ROUSER

MANILA TOLL EXPRESSWAY SYSTEM

MAYNILA

MUNTINLUPA CITY

RODELIO UMALI

SAMBAHAYAN RAWIS CHESA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with