^

Police Metro

Pabaya sa pamilya inutas ng bayaw

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inatado nang saksak ng isang lalaki ang kanyang bayaw dahil sa pagpapabaya umano nito sa kanyang pamilya naganap kamakalawa sa Navotas.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa Tondo Medical Center ay kinilalang si Ramil Royo, ng Road 10 Sitio Sto. Niño, Northbay Boulevard South, ng lungsod.

Ang  suspek na tumakas ay kinilalang si alyas Ompong, bayaw ng biktima at residente rin sa naturang lugar.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-6:00 ng gabi sa loob ng bahay ng biktima ay nagtalo ang magbayaw nang sitahin ng suspek si Royo ukol sa ginagawang pagpapabaya umano sa kanyang pa­milya dahil sa pagkagumon sa iligal na droga.

Hindi ito ikinatuwa ng biktima kaya’t nagkainitan sila ng suspek hanggang sa kumuha ng patalim ang una at tinangkang sugurin ang huli na agad din nakapagbunot ng patalim at sunud-sunod na undayan ng saksak.

 

vuukle comment

BATAY

INATADO

NAVOTAS

NORTHBAY BOULEVARD SOUTH

OMPONG

RAMIL ROYO

SITIO STO

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with