^

Police Metro

Lalaki na ipapasok sa rehab inutas

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang lalaki na umano ay ipapasok na sa rehabilitation ang binaril at napatay sa loob ng isang sasakyan kamakalawa ng gabi sa Palanca St., Quiapo, Maynila.

Namatay noon din dahil sa dalawang tama ng bala sa  ulo  ang biktimang si Laurente  Tolosa, 34, ng Maningning St. Sikatuna Village, Quezon City.

Batay sa ulat, dakong alas-8:45 ng gabi  nang barilin ang biktima  sa  loob ng isang  Ford Explorer na may plakang  XPL-800 na  nakaparada sa harap ng  BDO sa Quezon  Blvd., Palanca St.

Malaki ang hinala ng pulisya na may kinalaman sa droga ang pamamaslang  sa biktima na umano ay nakatakda sanang ipasok kahapon sa rehab na kung saan ay minsan na itong pinasok sa rehab dahil sa pagiging addict.

Nabatid din na hindi pag-aari ng  biktima ang   Ford Explorer dahil ayon sa magulang nito, isang Toyota Corolla ang gamit nito  kung kaya’t nagtataka sila kung bakit nakasakay  sa nasabing pick-up ang  biktima.

Nawawala din ang  Toyota Corolla  ng  biktima habang  binebiripika ng  mga otoridad kung  sino ang nagmamay-ari  ng  nasabing Ford Explorer.

May posibilidad na planado  ang pagpatay sa biktima dahil katabi nito ang  gunman na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Susuriin din ng  pulisya kung  sino ang huling katransaksiyon ng  biktima sa kanyang cellphone bago  ito pinatay.

vuukle comment

BATAY

BIKTIMA

FORD EXPLORER

ISANG

LAURENTE

MANINGNING ST. SIKATUNA VILLAGE

PALANCA ST.

QUEZON CITY

TOYOTA COROLLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with