^

Police Metro

Opisyal ng NIA, paiimbestigahan kay Pangilinan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nais ng isang grupo ng mga magsa­saka sa Pangasinan na paimbestigahan kay Presidential Assistant on Agriculture and Food.

Security Management Sec. Francis Pangilinan ang isang babaing opisyal ng National Irrigation Admi­nistration (NIA) dahil sa umano’y biglang pagyaman nito tulad ni Janet Lim–Napoles at napapabalitang nalululong pa sa casino gabi-gabi.

Ayon kay Samahan ng mga Magbubukid ng Binmaley (SMB) President Rogelio Cruz, makikipag-ugnayan sila kay Pangilinan para agad maimbestigahan ang naturang opisyal
na kilala sa tawag na “Donya.”

Nagtataka umano sila na hindi naman mayaman ang kanilang kababayan na si Donya, su­balit biglang naging marangya ang buhay nito nang makapasok sa  NIA, may limang taon pa lamang ang nakakalipas.

Kontodo anya alahas na pawang mga bril­yante pa umano ang suot nito mula tenga, leeg, kamay, daliri at bukung-bukong na kung saan araw-araw
sa pag­pasok nito sa opisina ay pinag-uusapan siya ng mga kawani.

Kataka-taka din aniya ang kakayahan nitong bumili ng kotseng Jaguar gayung kakarampot lamang ang suweldo nito sa NIA.

Ipinasisilip rin anya nila kay Pangilinan ang
Statement of Assets Liabilities and Networth o SALN nito noong bago siya pumasok sa NIA at ang bagong file na SALN nito lamang 2012 at 2013.

 

vuukle comment

AGRICULTURE AND FOOD

DONYA

FRANCIS PANGILINAN

JANET LIM

NATIONAL IRRIGATION ADMI

NITO

PANGILINAN

PRESIDENT ROGELIO CRUZ

PRESIDENTIAL ASSISTANT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with