^

Police Metro

Atraso ng ama, ibinunton sa mga anak 5 katao minasaker

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binurda ng saksak ang lima katao kasama na ang isang magkapatid ng isang lalaki sa Baguio City kamakalawa ng gabi.

 Ang mga namatay na biktima ay nakilalang sina Jackelyn Kale Nociete, 19 anyos, estudyante; nagtamo ng 18 saksak sa katawan, kapatid nitong si Joey Nociete Jr., 9 an­yos; 14 saksak, katulong ng pamilya na si Jonalyn Lozano, 12 saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

 Ang dalawa pa ay ang mga batang kalaro ni Joey na sina Dave John de Guzman, 9; 12 tama ng saksak at Raymond del Mundo, 8 anyos, limang saksak naman ang tinamo.

 Ang mga biktima ay pawang idineklarang dead-on-arrival ni Dr. Laoagan Rajiv sa Baguio City General Hospital and Medical Center sanhi ng tinamong maraming mga saksak sa katawan.

 Sa imbestigasyon, ang krimen ay naganap sa pagitan ng alas-3:30 ng hapon hanggang alas- 6:30 ng gabi  sa tinutulu­yang unit ng pamilya Nociete sa  4th Floor, Chan Building, 3rd Kayant St. Kayang Hilltop, Baguio City.

 Sa pahayag sa mga awtoridad ni Vilma Nociete, ina ng magkapatid na sina Jackelyn Kale at Joey, nagawa pang makapag-text sa kaniya ng kaniyang anak na babae  pasado alas – 5 ng hapon na may  bisita umano silang  galit na hinahanap ang kanilang ama.

 Dahil dito ay  nagmamadaling bumalik sa kanilang inuupahang unit ang nasabing ginang pero nagimbal ito sa kaniyang inabutan na tadtad ng saksak ang   nakahandusay na katawan ng kaniyang mga anak at iba pang biktima. Posible umanong ang nasabing bisita ang gumawa ng karumaldumal na krimen laban sa mga biktima.

 

vuukle comment

BAGUIO CITY

BAGUIO CITY GENERAL HOSPITAL AND MEDICAL CENTER

CHAN BUILDING

DAVE JOHN

DR. LAOAGAN RAJIV

JACKELYN KALE

JACKELYN KALE NOCIETE

SAKSAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with