^

Police Metro

Turistang Chinese, Pinay hotel staff kinidnap ng abu

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kasalukuyang inaalam ng mga otoridad ng Pilipinas at Malaysia kung may kinalaman ang mga bandidong Abu Sayyaf Group sa pagdukot ng isang turistang Chinese at isang Pinay hotel staff sa Semporna, Sabah, Malaysia noong Miyerkules ng gabi.

Ipinaabot na rin ng pamahalaan ng Malaysia sa AFP ang pagdukot sa mga biktimang sina Gao Huayun, 29-anyos, isang turistang Chinese at ang Pinay Marcy Dayawan, 40, empleyado ng Singmata Reef Resort, isang di­ving resort sa silangan ng  Semporna District, Sabah, Malaysia.

Sinabi ni Captain Rowena Muyuela, spokesman ng AFP Western Mindanao Command, kasalukuyan pa nilang inaalam kung sa area of responsibility ng Western Mindanao tina­ngay ng mga kidnaper ang naturang mga bihag.

Minobilisa na rin ang mga barko ng Philippine Navy, tropa ng Philippine Marines at Philippine Army na umalerto para hanapin ang mga bihag.

Base sa report, bigla na lamang nilusob ng anim na mga armadong kala­lakihan ang Singmata Reef Resort sa Semporna, Sabah at puwersahang tinangay ang dalawang bihag lulan ng pumpboat dakong alas-10:30 ng gabi noong Miyerkules.

Sinabi naman ni Captain Ryan Lacuesta, Civil Military Operations ng 2nd Marine Brigade sa Sulu wala pang indikasyon na dinala ang mga biktima sa Sulu kung saan ay patuloy ang kanilang monitoring.

 

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

CAPTAIN ROWENA MUYUELA

CAPTAIN RYAN LACUESTA

CIVIL MILITARY OPERATIONS

GAO HUAYUN

MARINE BRIGADE

SABAH

SINGMATA REEF RESORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with