^

Police Metro

New diplomatic protest vs China ikinasa ng DFA

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ikinasa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang paghahain ng panibagong diplomatic protest laban sa China dahil sa ginawang pang­haharas at pagharang sa barko ng Pilipinas na magde-deliver ng pagkain at iba pang supply sa mga sundalong Pinoy na naka-istasyon sa Ayungin shoal noong Sabado ng hapon.

Sinabi ni DFA Spokesman Asst. Sec. Charles Jose,  pinag-aaralan na nila ang ang paghahain ng protesta laban sa China dahil sa naganap na dalawang oras na stand off sa pagitan ng civilian ship ng Pilipinas at dalawang barko ng China Coast Guard (CCG).

Kinondena ng DFA ang ginawang panggigipit ng Chinese troops sa barko ng Pilipinas na layuning maghatid lamang ng supply sa mga sundalong Pinoy lulan ng sumadsad na BRP Sierra Madre na naka-istasyon sa Ayungin shoal simula pa noong 1999.

Binigyang-diin ng DFA na ang Ayungin shoal ay bahagi ng continental shelf ng Pilipinas kung kaya may karapatan ito sa soberenya  at hurisdiksyon sa nasabing lugar.

Sinaksihan ng mga mamamahayag at maging foreign correspondents na kasamang lulan sa civi­lian ship ang naganap na tensyon nang iharang ng CCG ang kanilang barko sa daraanan ng civilian ship ng Pilipinas patu­ngong Ayungin shoal.

Lulan din ng PH  ship ang mga sundalo na papalit sa mga sundalong itinalagang magbantay sa Ayungin post.

Inihain na rin ng pa­mahalaan sa international tribunal sa ilalim ng United Nations Convention on the law of the Sea (UNCLOS)  ang “memorandum” o “memorial”  para sa claims ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Nabatid na naglalaman ang nasabing memorandum ng mga legal na basehan at ibang pang argumento at apela ng pamahalaan na ang pinag-aagawang bahagi ng WPS o South China Sea ay  teritoryo ng Pilipinas..

Nabatid na inatasan ng International Tribunal on the Law of the Sea (ITLOS) ang Pilipinas na magsumite ng kanilang memorandum kasunod ng paghahain ng kaso ng pamahalaan laban sa China noong 2013 upang hamunin at kuwestyunin ang 9-line claim ng China sa South China Sea.

Sa “nine dash line” claim ng China ay sumasakop sa buong South China Sea at maging ang 200 nautical miles Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas ay kanila nang inaangkin.

vuukle comment

AYUNGIN

CHARLES JOSE

CHINA

CHINA COAST GUARD

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EXCLUSIVE ECONOMIC ZONE

INTERNATIONAL TRIBUNAL

PILIPINAS

SOUTH CHINA SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with