^

Police Metro

Binangga ang sasakyan: 3 miyembro ng Mocha girls, sugatan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sugatan ang tatlong miyembro ng all female sing and dance group na Mocha Girls sa karambola ng tatlong sasakyan sa San Juan City kahapon ng madaling araw.

Nabatid na dakong alas-2:00 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa panulukan ng EDSA at Annapolis St sa lungsod.

Sinabi ni Mae Dela Cerna, isa sa mga biktima, galing sila sa isang pagtatanghal sa Timog Avenue, Quezon City at pauwi na sana nang mahagip ng pampasaherong bus na  AC  Trans na minamaneho ni Sonny Samson ang kanang bahagi ng kanilang sasakyan. Nakaladkad ng bus ang kanilang sasakyan hanggang sa makarating sa gutter.

Ayon sa report, isang Toyota Innova na may plakang ZND-711 na minamaneho ng isang Pancho Gonzales ang unang bumangga sa bus sanhi upang mabangga naman nito ang behikulo ng Mocha girls.

Nabatid sa pulisya na lasing si Gonzales nang maganap ang aksidente dahil bago salpukin ang bus ay hinahabol ito ng mga awtoridad matapos na una nang ma-hit and run ang isang security guard sa Greenhills.

Arestado naman si Gonzales, na humingi ng paumanhin sa kanyang mga nabangga at inaming lasing na lasing siya nang maganap ang aksidente.

Bukod kay dela Cer­na, sugatan din sa aksidente ang kanyang mga kasamahan na sina Jho Ann Sotelo at Sabrina Turner na pawang nagtamo ng sugat at galos sa katawan na mabilis na isinugod sa Cardinal Hospital.

vuukle comment

ANNAPOLIS ST

CARDINAL HOSPITAL

GONZALES

JHO ANN SOTELO

MAE DELA CERNA

MOCHA GIRLS

NABATID

PANCHO GONZALES

QUEZON CITY

SABRINA TURNER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with