^

Police Metro

Death toll sa salpukan ng 2 barko: 2 na ang nasawi

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasa dalawang  katao na ang nasawi habang siyam pa ang patuloy na pinaghahanap sa malagim na banggaan ng barko sa Caraballo Island sa pagitan ng karagatan ng Ternate at Cavite City sa lalawigan ng Cavite.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, isa pang bangkay ang narekober kahapon ng umaga na kabilang sa sampung nawawala na si Vincent dela Cruz na nakita ang katawan sa loob ng lumubog na F/B Dan Israel matapos una nang narekober kamakalawa ang bangkay ng nasawing si Jojo Sumbillo matapos na lumutang ang katawan nito sa dagat.

Patuloy ang isinasagawang search and rescue ope­rations ng pinagsanib na elemento ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard sa siyam pa na nawawala.

 Iniulat ni Naval Task Force 27 Chief Captain Leofilo Pulmano, na nagpadala na rin ng dalawang barko at aircraft ang Philippine Navy sa bisinidad ng Carballo Island  nang mangyari ang banggaan ng fishing vessel na Dan Esrael at isang cargo vessel dakong alas-11:00 ng gabi noong Miyerkules.

vuukle comment

B DAN ISRAEL

CAMP AGUINALDO

CARABALLO ISLAND

CARBALLO ISLAND

CAVITE CITY

CHIEF CAPTAIN LEOFILO PULMANO

DAN ESRAEL

JOJO SUMBILLO

NAVAL TASK FORCE

PHILIPPINE NAVY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with