^

Police Metro

Van salpok sa truck: Ex-mayor, 2 pa sugatan, aide todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasugatan ang dating alkalde ng Cotabato City at dalawa nitong aide habang ang isa pa niyang aide ay nasawi matapos na salpukin ng trailer truck ang sinasakyan nilang van kamakalawa sa national highway ng Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao.

Nasugatan si Cotabato City Mayor Muslimin Sema, isa sa lider ng Moro National Liberation Front (MNLF) na lumagda sa peace agreement sa pamahalaan noong 1996, at dalawang aide nito na sina Nords Dimasangkay at Samad Tasil. Habang nasawi ang isa pang aide nito na si Bandon Ampatuan.

Batay sa ulat, pasado alas-11:00 ng tanghali ay kasalukuyang lulan si Sema ng van nito na bumabagtas sa pakurbadang bahagi ng national highway galing General Santos City patungo sa Cotabato City  nang mabangga ng kasalubong na trailer truck.

Dalawang anggulo ang iniimbestigahan ng pulisya sa kaso, ang una ay ang posibilidad na sumabog ang gulong ng trailer truck na nakabangga kay Sema at pangalawa ay posibleng nakatulog ang truck driver na si Antonio de Lara.

vuukle comment

BANDON AMPATUAN

COTABATO CITY

COTABATO CITY MAYOR MUSLIMIN SEMA

DATU ANGGAL MIDTIMBANG

GENERAL SANTOS CITY

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

NASUGATAN

NORDS DIMASANGKAY

SAMAD TASIL

SEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with