^

Police Metro

P5-M shabu nasamsam sa Zambo airport

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasamsam ng mga otoridad ang nasa P5 mil­yon halaga ng shabu sa isinagawang operasyon sa Zamboanga City International Airport kamakalawa.

Ayon kay Chief Ins­pector Ariel Huesca, Spokesman ng PRO 9, kasalukuyang iniinspeksyon ng mga security officer ng paliparan ang mga bagahe nang mapansin ang kakaibang laman ng kahon pagdaan nito sa x-ray machine.

Nang buksan ang laman ng kahon ng cornstarch ay dito na tumambad ang nakatagong shabu na ang dami ay tinatayang aabot sa P 5 M halaga sa merkado.

Ang package ay ga­ling Caloocan City at dadalhin sana sa Bongao, Tawi-Tawi nang mabulilyaso.

Samantala, anim na drug pusher ang  nadakip ng PDEA sa magkahiwalay na operasyon sa Ozamis City at Misamis Oriental.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Nemesio Rabor, 30; Jim Allen Untal, 24; Reynato Sabanico, 49; Roland Suasin, 38; Christopher Prieto, 31; at Lother Legaspino.

Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi nang maaresto sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Marissa P. Estabya ng RTC  Branch 44, Initao, Misamis Oriental na nagresulta ng pag-aresto kina  Rabor at Untal.

Alas-10:30 ng gabi nang maaresto sina Sabanico, Suasin, Prieto at Legaspino sa isang buy bust operation sa Purok 2, San Roque, Ozamis City.

vuukle comment

ARIEL HUESCA

CALOOCAN CITY

CHIEF INS

CHRISTOPHER PRIETO

JIM ALLEN UNTAL

JUDGE MARISSA P

LOTHER LEGASPINO

MISAMIS ORIENTAL

OZAMIS CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with