^

Police Metro

Panalo sa sugal na pusoy... Pinatay sa bugbog at sakal

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay sa bugbog at sakal ang isang 45-anyos na mister makaraang pagtulungan ng tatlong lalaki na kanyang tinalo sa sugal na “pusoy” sa Quezon kahapon ng madaling araw.

Ang biktimang si Edgar Fidel, isang graphic installer ay nagawa pang maisugod sa ospital pero nalagutan din ng hininga dahil sa matinding bugbog at sakal.

Ayon kay PO2 Julius Raz, may hawak ng kaso, tinutugis na nila ngayon ang mga suspek na nakilalang sina Tu­ling Escalra, Ian Escalera at isang alyas Bayan na pawang residente sa Brgy. Sta Monica, Novaliches sa lungsod.

Ang insidente ay naganap sa Kilyawan St., Brgy. Sta Monica, Novaliches, ganap na ala-1:00 ng madaling araw.

Sinasabing nagsusugal ng pusoy nang magkaroon ng alitan dahil natatalo ng biktima ang mga suspek.

Ang pagtatalo ay agad namang naawat ng ilang miron at umalis na ang biktima at humingi ng tulong sa kaibigang si Eric Tejano.

Habang pabalik ang biktima at kaibigang si Eric sa sugalan ay agad na sinalubong ng mga suspek at muling naganap ang bugbugan.

 Habang nagaganap ang suntukan ay nakatakbong papalayo si Eric kaya naiwan ang biktima na siyang pinagtulungan na bugbugin at sakalin ng mga suspek.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang tatlo habang ang biktima ay isinugod sa Novaliches District hospital pero hindi na umabot ng buhay.

 

 

vuukle comment

BRGY

EDGAR FIDEL

ERIC TEJANO

HABANG

IAN ESCALERA

JULIUS RAZ

KILYAWAN ST.

NOVALICHES

NOVALICHES DISTRICT

STA MONICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with