^

Police Metro

Nakita ang sabon na galing hotel... mag-ina inutas ng selosong lover

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nadakip na ng Taguig City police ang suspek sa pagpatay sa mag-inang Jonalyn Gantiyao, 27 at si Gwen Angel, 4-an­yos, kapwa residente ng Zone 7, Minipark, Fort Bonifacio ng naturang lungsod na ang bangkay ay natagpuang naka­handusay sa southbound lane ng C-5 Road sa likod ng Treston International College, Fort Bonifacio, Global City ng naturang lungsod.

Kinilala ang suspek na si Danny Binono, 45, nakatira sa nasabing lugar at live-in partner ni Jonalyn.

Lumalabas sa imbes­tigasyon na selos ang motibo ng pagpatay ni Binono sa mag-ina noong Miyerkules ng alas-6:20 ng gabi matapos makita ng suspek na may hawak na sabon mula sa isang hotel si Jonalyn.

Dito ay kinompronta ni Binono si Jonalyn tungkol sa sabon na hawak nito hanggang sa nauwi sa mainitang pagtatalo ng dalawa.

Para matigil ang pagtatalo ay lumabas si Jonalyn kasama ang anak na si Gwen Angel, subalit  hinabol sila ni Binono at  pinukpok ng batong napulot nito sa kalsada ang una.

Tinangkang umawat ni Gwen Angel na ikinairita ng suspek kaya’t pinukpok din niya ito sa ulo hanggag sa mamamatay.

Isang binatilyo ang nakakita sa mag-ina na kausap ng suspek bago natagpuang patay ang mga ito sa nasabing lugar.

Ito na rin ang nagreport sa pulisya kung kaya’t nagsagawa ng follow-up operation at dakong alas-10:00 ng gabi kamakalawa nang arestuhin si Binono at kinasuhan ng dalawang bilang ng kasong murder.

vuukle comment

BINONO

DANNY BINONO

FORT BONIFACIO

GLOBAL CITY

GWEN ANGEL

JONALYN

JONALYN GANTIYAO

TAGUIG CITY

TRESTON INTERNATIONAL COLLEGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with