^

Police Metro

18,518 katao apektado ng bagyong Basyang

Joy Cantos, Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasa 18,518 katao ang naapektuhan kabilang ang 9,541 pasahero ang stranded sanhi ng hagupit ng bagyong Basyang.

Iniulat ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive  Director Eduardo del Rosario, naitala sa 3,698 pamilya o kabuuang 18,518 katao ang naapektuhan at ngayo’y kinukupkop sa may 74 evacuation centers sa Region VI, Region VIII at CARAGA Region matapos na limang beses magland-fall si Basyang.

Unang nag-landfall si Basyang sa Siargao Island sa CARAGA Region bandang alas-6:00 ng gabi nitong Biyernes; Padre Burgos, Southern Leyte, alas-9:00 ng gabi; Ubay, Bohol, dakong alas-11:00 ng gabi; San Miguel, Bohol, 11:00 ng gabi at Naga City, Cebu dakong alas-12:00 naman ng hatinggabi.

Nasa 9,541 pasahero, 164 behikulo, 877 rolling cargoes at 21 bangkang de motor ang stranded sa mga pantalan ng Maynila; Cebu; Tagbilaran City, Bohol; Ormoc at Tacloban City; pawang sa Leyte; Catbalogan, Samar; Masbate, Sorsogon, Cagayan de Oro, Surigao, Ozamis City, Butuan, Dapitan; Iloilo at Bacolod City.

Naglaan na rin ang pamahalaan ng P104.30-M halaga ng emergency relief resources  na kinabibilangan ng P54.91 M standby funds; P48,044 family food packs  na nagkakahalaga ng P11.67 M, at iba pang food packs P37.72 M para sa mga evacuees o mga pamilyang apektado ng bagyo.

Inaasahan namang lalabas na ng bansa si Basyang bandang hapon ngayong araw matapos humina na ito kung saan nasa 11 lugar na lamang ang nasa ilalim ng signal number 1.

vuukle comment

BACOLOD CITY

BASYANG

BOHOL

CEBU

DIRECTOR EDUARDO

NAGA CITY

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

OZAMIS CITY

PADRE BURGOS

SAN MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with