^

Police Metro

30 graduating students minanyak ng photographer

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inaresto ng pulisya ang isang 47-anyos na photographer matapos na ireklamo ito ng pangmomolestiya sa may 30 graduating students ng elementarya sa isang photo shoot sa kanilang graduation picture sa loob ng paaralan naganap kamakalawa ng hapon.

Ang suspek ay kinilalang si Misael Ca­lam, may-asawa, residente ng Aurora Boulevard, Sta. Cruz, Maynila at photographer ng
Moises Salvador Elementary School, na matatagpuan sa G. Geronimo  St., Sampaloc, Maynila.

Sa salaysay ng mga biktima na bawat section ay kinukunan ng naka-toga, subalit nagtataka sila kung bakit ang suspek ang nag-aayos ng toga sa kanila na habang tinatanggal ang butones ng blusa ng mga batang babae ay sinasabayan ng pagkapa sa kanilang dibdib.

Bukod pa umano ito ay ikinikiskis ng suspek ang kanyang ari sa mga tuhod ng mga estudyante habang inaayusan ng toga.

Desidido naman ang mga magulang na tuluyan na sampahan ng kasong child abuse ang suspek  na pinabulaanan naman ang akusasyon.

vuukle comment

AURORA BOULEVARD

BUKOD

CRUZ

DESIDIDO

GERONIMO

INARESTO

MAYNILA

MISAEL CA

MOISES SALVADOR ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with