^

Police Metro

5 rapist na gusto uli makaisa sa dalaga, timbog sa eyeball

Pang-masa

MANILA, Philippines - Mistulang nasarapan at inakala ng limang kabataan na hindi nagsampa ng kaso ang isang 19-anyos na dalaga na halinhinan nilang hinalay noong nakalipas na linggo kaya’t kanila itong tinext para sa muling pagtatagpo ay dito na sila nasakote.

Ang mga suspek na pawang menor-de-edad ay itinago sa mga alyas “Cris”, 18, 4th year high school student; “Aris”, 15, 4th year high school; “Lito”, 17; “Jose”, 17 at “Pepe”, 17, pawang out-of-school youth at pawang residente ng Hermosa, Tondo, Maynila.

Sa salaysay ng biktima na itinago sa pangalang Jenny, 19, college student at residente ng Caloocan City na noong Enero 11, 2014 ay niyaya siya ng kaibigang si Rose sa inuman dahil sa monthsary nila ng kanyang nobyo  kaya’t nagtungo sila sa bahay ng isa sa mga suspek sa Torres Bugallon St.

Nang makainom umano ng tatlong baso ay agad nahilo at nakatulog ang biktima hanggang sa magising siya dakong alas-11:00 ng gabi na masakit na ang buong katawan at hubo’t hubad habang naroroon ang mga suspek.

Nawala rin ang dala niyang P2,000 na itinago sa dibdib at ang kanyang contact lense ay wala na rin sa kaniyang mata.

Agad na nagbihis at umuwi ang biktima at pagdating sa bahay ay  nagsumbong ito sa kanyang mga magulang na nagtungo naman sa pulisya para magsampa ng kasong rape.

Subalit, nitong Miyerkules ng alas-7:30 ng gabi ay tinext ng mga suspek ang biktima at hiniling na makipagkita ito sa Hermosa St. na lingid sa kaalaman ng mga suspek na may kasama na itong pulis at tiyuhin kaya’t pagda-ting sa lugar nang tagpuan ay inaresto ang mga suspek. -Ludy Bermudo, trainee-Annadian Rivera-

 

vuukle comment

ANNADIAN RIVERA

ARIS

CALOOCAN CITY

ENERO

HERMOSA

HERMOSA ST.

LUDY BERMUDO

TORRES BUGALLON ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with