^

Police Metro

Sa Sept. 11 Rally sa EDSA PNP hindi magtataas ng alerto

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na hindi pa kailangang magtaas ng alerto sa planong Sept. 11 prayer rally sa Edsa shrine laban sa nabunyag na pork barrel scam.

Sinabi ni PNP spokesman Sr. Supt. Reuben Theodore Sindac, maaring maliit lamang na lugar ang maapektuhan ng rally kung kaya hindi pa kailangan anyang magtaas ng alerto.

Ayon kay Sindac, kung sakali mang magtaas sila ng alerto ay maaring sa isang porsyon lamang ng Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA).

Kabuuang 500 police personnel ang idedeploy EDSA Shrine habang isinasagawa ang prayer vigil na inorganisa ng grupong “EDSA Tayo.”

Ang mga pulis na itatalaga para i-secure ang rally ay binigyan na ng instructions na tiyaking hindi mapapasok ng mga manggugulong grupo ang aktibidad para matapos ito ng maayos.

Ang aktibidad na gagawin sa September 11 ay karugtong ng ginawang programa noong Aug. 26 na Million Peoples Mark sa Luneta laban sa abolisyon ng pork barrel.

vuukle comment

AYON

EDSA

EPIFANIO DELOS SANTOS AVENUE

INIHAYAG

KABUUANG

LUNETA

MILLION PEOPLES MARK

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

REUBEN THEODORE SINDAC

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with