^

Police Metro

VP ng bangko, lady trader nasagip… kidnaper tiklo sa pay-off

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang lalaki na executive vice president ng isang bangko at isang babaeng negosyan­te ang matagumpay na nailigtas ng mga otoridad habang arestado ang isa sa mga kidnaper sa naganap na pay-off sa parking lot ng isang mall sa Cabana­tuan City, Nueva Ecija.

Ang mga nasagip na biktima ay kinilalang sina Aurelio Villaflor, 62, Exe­cuvite Vice President ng GM Bank, isang rural bank sa lalawigan at ang kasama nitong negosyan­teng si Evangeline Urgente, 37-anyos.

Arestado naman ang isa sa mga kidnaper na si John Viterbo del Rosario habang nasa aktong tinatanggap ang P400,000 ransom sa isang pulis na nagpanggap na kamag-anak ng dalawang biktima.

Ayon kay PNP-Cri­minal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Chief P/Director Francisco Uyami Jr., dakong alas-4:00 ng hapon nang isagawa ang payoff matapos na makipagkoordinasyon ang pamilya ng mga biktima sa mga operatiba ng pulisya  sa napagkasunduang par­king lot ng Mega Center Mall ng lungsod.

Agad namang sinunggaban ng nakaposteng mga operatiba ng Nueva Ecija Criminal Investigation and Detection Team (CIDT) at Nueva Ecija Pro­vincial Police Office sa pamumuno ni Chief Inspector Mario Sagcal ang suspek na nagresulta sa matagumpay na pagka­kaligtas sa dalawang biktima.

Sa ulat, ang dalawang biktima ay dinukot ng 7 armadong kalalakihan sa Brgy. Dinarayat, Talavera, Nueva Ecija bandang alas-7:55 ng gabi.

Una nang humingi ang mga kidnappers ng P3.5 M ransom hanggang sa naibaba ito sa P400,000 kung saan itinakda ang payoff sa lugar.

vuukle comment

AURELIO VILLAFLOR

CHIEF INSPECTOR MARIO SAGCAL

CHIEF P

DIRECTOR FRANCISCO UYAMI JR.

EVANGELINE URGENTE

INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

NUEVA ECIJA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with