^

Police Metro

Inumpog habang naliligo sa hotel… Bebot tinodas ng ka-date

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Todas ang isang bebot makaraang i-umpog ang ulo sa pader ng kanyang ka-date habang ang biktima ay naliligo sa loob ng hotel sa Sta. Mesa, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Inilarawan ni PO3 Julieto Malindog, ng Manila Police District-Homicide Section ang biktima sa edad na 20-25, nasa 4’10 ang taas, nakasuot ng kulay pulang t-shirt, maong na pantalon.

Hindi na inabutan pa ng roomboy sa inokupahang silid ang suspek na inilarawan sa edad na 35, may taas na 5’2 at malaki ang pangangatawan.

Nadiskubre ang krimen dakong alas-5:20 ng hapon sa loob Room 21, 2nd floor ng Sta. Mesa Hotel, na matatagpuan sa  #4100 Ramon Magsaysay Blvd., Sta.  Mesa, Maynila.

Sa naging salaysay ng roomboy na si Kenneth Culta, nagcheck-in ang suspek at biktima noong Biyernes (Hunyo 12) bandang ala-1:50 ng hapon para sa 24-oras na pamamamalagi sa hotel.

Hindi naman umano nagpa-extend ang dalawa kaya ganung oras din ng Sabado sila dapat na magcheck-out.

Dakong alas-3:30 ng hapon ng Sabado nang nagpaalam sa desk officer ang lalaki na lalabas sandali at iwan muna ang kasamang babae.

Makalipas ang kalahating oras ay inutusan umano ng desk officer na inspeksiyunin ang kuwarto ng biktima at suspek, kung  saan narinig pa ng roomboy ang tunog ng tubig na nagmumula sa shower kaya sinubukang katukin.

Walang sumasagot at nagbubukas ng pintuan kaya napilitan silang buksan ang silid gamit ang duplicate key at doon na bumulaga ang naka­handusay na bangkay ng biktima.

Pinaniniwalaang inuntog ang ulo ng biktima sa pader na naging dahilan ng kamatayan nito.

Nanawagan na rin ang pulisya sa sinumang kaanak na kikilala sa bangkay na makipag-ugnayan sa kanila upang makakalap ng impormasyon  para sa ikadarakip ng suspek.

vuukle comment

BIKTIMA

BIYERNES

JULIETO MALINDOG

KENNETH CULTA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

MESA HOTEL

RAMON MAGSAYSAY BLVD

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with