^

Police Metro

Niratrat sa basketball court… Ama todas, anak at pamangkin sugatan

Ricky T. Tulipat at Jam Krisette Nuñez - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang ama ng tahanan ang nasawi habang sugatan ang anak nito at pamangkin makaraang pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek habang ang mga biktima ay nanonood ng basketball sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Fernando Vergara, ng #48-B Del Pilar St., Brgy. San Roque, Cubao, QC.

Sugatan naman ang anak nitong si Jojo Vergara, estudyante at pamangkin na si Jerwin Domingo, 21.

Ayon kay PO2 Julius Balbuena, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa Del Pilar St., Brgy. San Roque, Cubao, ganap na alas-6:00 ng gabi. 

Nanonood umano ng basketball sina Fernando at Jerwin kasama si Jojo nang dumating ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo.

Ilang sandali, bigla na lamang bumunot ng baril ang isa sa mga suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang tatlo.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng hindi naplakahang motorsiklo.

Nagawa pang maitakbo ang mga biktima sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC) subalit idineklarang dead on arrival si Fernando ganap na alas-7:08 ng gabi habang si Jerwin at Jojo ay patuloy pang ginagamot.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng nasabing insidente at pagkakakilanlan ng mga suspek.

 

vuukle comment

B DEL PILAR ST.

BRGY

CUBAO

DEL PILAR ST.

FERNANDO

FERNANDO VERGARA

JERWIN

JERWIN DOMINGO

JOJO

SAN ROQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with