^

Police Metro

Gipit na Pinay workers binabayaran ng $26 para sa sex

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Upang makauwi lamang sa Pilipinas ay napipilitang kagatin ng mga desperadong Pinay workers ang $26 o mahigit P1,000 kapalit ng sex.

Ito ang inihayag ni John Leonard Monterona, regional coordinator ng Migrante Middle East at North Africa, base sa kanilang nakuhang mga impormasyon sa mga nabiktimang Pinay ng sex-for-fly para lang makauwi.

Ang ibang nagigipit na Pinay ay binabayaran din umano ng 500 riyal ($130) hanggang 1,000 riyal ($260) kapalit ng kanilang serbisyong seksuwal sa Saudi Arabia.

Ang impormasyon ay nakalap ng Migrante mula sa mga biktima kasunod ng paglutang ng isang OFW na nagtrabaho sa Riyadh na maging sa Saudi ay may “indecent proposal” ng mga embassy at labor officials para sa mga distressed OFWs.

Napag-alaman ng Migrante na may mga OFWs na tumakas sa amo at tumatakbo sa Embassy o POLO shelter ay nakaranas ng nasabing sex-for-fly scheme.

 

vuukle comment

JOHN LEONARD MONTERONA

MIGRANTE MIDDLE EAST

NAPAG

NORTH AFRICA

PILIPINAS

PINAY

RIYADH

SAUDI ARABIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with