^

Police Metro

Condo unit ipinadlak ng magulang… totoy utas sa sunog

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Utas ang isang 12-anyos na ba­tang lalaki habang nilalapatan pa ng lunas ang nakatatandang kapatid nito nang ma-suffocate sa loob ng kanilang nasunog na condominium unit sa Binondo, Maynila, kahapon ng tanghali.

Hindi na nailigtas ang buhay nang isugod sa Me­tropolitan Medical Center  ang biktimang si Kevin Uy, residente ng  unit 501 Peace Building, San Nicolas St., Binondo, bunga ng suffocation.

Tagumpay namang nai-revive ang wala ring malay na si Shannan Nicole Uy, 13-anyos, nang dalhin sa Justice Abad Santos Mother and Child Hospital at agad ding inilipat sa Chinese General Hospital para sa tuluyang paggaling.

Sa naging pahayag ng isa sa rumespondeng residente ng lugar, na kinilalang si  Mark Angelo Ong, may narinig silang humihingi ng tulong at nang puntahan ang unit ng mga biktima ay nakapadlock ito kaya sinipa nila upang puwersahang buksan kung saan sumalubong ang napakakapal na usok.

Nakatalukbong ng  kumot ang magkapatid at wala ng malay tao nang kanilang dalhin sa paga­mutan.

Ayon kay Chief Ins­pector Bonifacio Carta, hepe ng investigation division ng Manila Fire Dis­trict, nasa kalahating milyong piso ang inabot nang nasunog na condominium.

Nabatid na ang mga magulang ng magkapatid ay iniwan sila upang mag-asikaso ng kanilang tindahan sa Binondo.

Umabot sa ika-3 alarma ang sunog at naapula makalipas ang mahigit isang oras, na nagsimula alas-11:54 at naideklarang fire-out alas-12:39 ng tanghali.

vuukle comment

BINONDO

BONIFACIO CARTA

CHIEF INS

CHINESE GENERAL HOSPITAL

JUSTICE ABAD SANTOS MOTHER AND CHILD HOSPITAL

KEVIN UY

MANILA FIRE DIS

MARK ANGELO ONG

MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with