^

Police Metro

Binoga habang nagmamadyong… MMDA enforcer todas sa resbak

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ang isang dating pu­lis na ngayon ay miyembro ng Metro Ma­nila Development Authority (MMDA) Traf­fic Enforcer ng isang sea­man na rumesbak dahil sa pagkamatay ng kapatid nito kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang si Arnold Reno, residente ng no. 225 Paraiso Extension, Magsaysay Village, Ton­do, sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Agad nadakip ang suspek na si Romeo Her­nandez, 30, may-asawa, seaman ng no. 199 Sili Ally Velasquez St., Tondo.

Batay sa ulat, bago naganap ang pamamaril sa biktima dakong alas-8:00 ng gabi sa loob ng compound  sa no.  33 Tri­ni­dad St., Block 2, Tondo, Maynila ay naglalaro umano ng mahjong kasa­ma ang mga kaibigan.

Dito ay dumating ang suspek at walang sabi-sa­bing pinagbabaril ang biktima.

Nang bumagsak ang biktima ay muli pa itong pi­nagbabaril na naging sanhi ng agaran nitong ka­matayan.

Nagsagawa ng follow-up operation ang otoridad at pagkatapos ng ilang oras ay nadakip ang suspek matapos na ituro siya ng anak nitong 9-anyos na nakakita na may sukbit itong baril.

Ayon sa pulisya, na paghihiganti ang motibo ng suspek sa pagpatay sa biktima dahil ang kaibigan nito ang pumatay sa kapa­tid ng suspek.

vuukle comment

ARNOLD RENO

AYON

DEVELOPMENT AUTHORITY

MAGSAYSAY VILLAGE

MAYNILA

METRO MA

PARAISO EXTENSION

ROMEO HER

SHY

SILI ALLY VELASQUEZ ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with