^

Police Metro

Mining firms umayuda sa mga biktima ni Pablo

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sisimulan sa araw na ito ng Philippine Mine Safety and Environment Association (PMSEA), isang asosasyon ng mga kompanya sa pagmimina, ang pagdadala ng relief goods sa mga komunidad na tinamaan ng bagyong  Pablo sa  Compostela Valley at Davao del Sur.

Nagkaloob ang Sagittarius Mines, Inc. (SMI), miyembro ng PMSEA mula sa South Cotabato, ng P500,000 bilang ambag sa pondo ng PMSEA at naglaan ng panibagong P500,000 para sa relief mission ng kompanya sa mga lugar na napinsala ng bagyo.

Umabot na sa P3 mil­yon ang pondo ng PMSEA hanggang kahapon na ga­gamitin sa pagbili ng mga tent, pagkain, maiinom na tubig at gamot.

Nakipag-ugnayan din ang SMI sa local govern­ment units (LGUs) at mga samahang sibiko sa Mindanao upang magbigay hindi lamang ng relief goods kundi isang pangkat ng mga doktor na aayuda sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad. Ipinagpaliban din ng SMI ang mahalagang okas­yon ng kompanya sa Davao del Sur sa linggong ito upang ang pondo nito ay maga­mit sa pagtulong sa mga biktima ng bagyong Pablo.

vuukle comment

COMPOSTELA VALLEY

DAVAO

IPINAGPALIBAN

MINDANAO

NAGKALOOB

NAKIPAG

PHILIPPINE MINE SAFETY AND ENVIRONMENT ASSOCIATION

SAGITTARIUS MINES

SOUTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with