Doncic itinala anag ika-60 triple-double

Luka Doncic of Dallas.
Steph Chambers / Getty Images / AFP

DALLAS — Humakot si star guard Luka Doncic ng triple-double na 40 points, 11 rebounds at 10 assists para akayin ang Mavericks sa 147-97 pagmasaker sa Utah Jazz.

Ito ang pang-60 career triple-double ni Doncic para lampasan si legend Larry Bird sa ninth place overall sa NBA career list.

Nagdagdag si Kyrie Irving ng 26 points para sa Dallas (12-8) na nagmula sa two-game losing skid.

Binanderahan ni Ochai Agbaji ang Utah (7-14) sa kanyang 21 points, habang hindi naglaro sina top scorers Lauri Markkanen at Fil-Am Jordan Clarkson.

Sa Houston, humataw si Dillon Brooks ng 23 points at tinapos ng Rockets (9-9) ang three-game lo­sing slump mula sa 110-101 pagdaig sa Oklahoma City Thunder (13-7).

Sa Minneapolis, nagtala si Rudy Gobert ng 16 points at 21 rebounds para tulungan ang NBA-leading Min­nesota Timberwolves (16-4) sa 102-94 panalo sa San Antonio Spurs (3-17).

Sa Chicago, tumipa si DeMar DeRozan ng 29 points para sa 111-100 pagsuwag ng Bulls (8-14) sa Charlotte Hornets (6-13).

Show comments