^

PM Sports

Letran, La Salle dumikit sa Finals

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umahon mula sa 24-point deficit ang Wangs Basketball @27 Strikers-Letran upang baliktarin ang karibal na Marinerong Pilipino-San Beda sa overtime, 93-87, sa 2023 PBA D-League Aspirants’ Cup semifinals kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Nagpakawala ng 7-0 ratsada ang Knights sa OT at ‘di na muling nagpreno pa upang makauna sa kanilang maikling best-of-three Final Four series.

Nagbuslo ng 32 puntos si Kurt Reyson kabilang na ang 21 puntos sa fourth quarter at overtime upang trangkuhan ang Knights sa matamis na bawi kontra sa Red Lions matapos ang 90-87 talo

Humakot ng double-double na 17 puntos at 13 rebounds si Kent Santos, may 12 din si Vince Cuajao habang nagdagdag ng 10 si Kyle Tolentino tampok ang nagliliyab na tres sa huling segundo ng regulation upang makapuwersa ng OT.

Sa ikalawang laro, humataw ng 22 puntos si Mark Nonoy sa 18 minutong aksyon lang upang pangunahan ang 107-78 panalo ng EcoOil-La Salle kontra sa University of Perpetual Help System Dalta sa kanilang sariling semis pairing.

Ang panalo ng  Green Archers ang nagpalakas ng kanilang misyong madepensahan ang korona sa D-League.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with