^

PM Sports

Vargas iaapela ang paglalaro nina Clarkson at Brownlee sa 2023 WC

Nelson Beltran - Pang-masa
Vargas iaapela ang paglalaro nina Clarkson at Brownlee sa 2023 WC
Utah Jazz star Jordan Clarkson

PARIS — Walang ibang gustong mangyari si PBA chairman Ricky Vargas kundi makita ang sabay na paglalaro nina Jordan Clarkson at Justin Brownlee para sa Gilas Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup.

Umaasa si Vargas na mapagbibigyan ng Inter­national Basketball Federation (FIBA) ang kahilingan ng Pilipinas bilang FIBAWC23 co-host kasama ang Japan at Indonesia na parehong paglaruin ang NBA guard at Ginebra resident import.

Matigas kasi ang FIBA sa kanilang desisyon ukol sa estado ni Clarkson bilang isang naturalized bagama’t mayroon siyang Filipino lineage at hawak na Philippine passport.

Kaya si Brownlee naman ang ipaglalaban ni Vargas sa FIBA.

“He’s played the most part of his professional life in the Philippines. May heritage na, nandito na iyong pamilya niya, baka puwede na siyang ma-consider na regular player and not a naturalized,” ani Vargas bago ang planning session ng PBA board of governors dito sa French capital.

Kung aaprubahan ng FIBA ay maaari nang pag­laruin ng Gilas Pilipinas sina Clarkson at Brownlee para sa World Cup kung saan makakalaban ng Nationals ang Angola, Dominican Republic at Italy sa group play.

Kailangang malakas ang 40th-ranked Gilas Pilipinas sa pagharap sa World No. 10 Italy, No. 23 Dominican Republic at No. 41 Angola sa Group A.

“Dapat pag-aralan na nila nang husto iyong kalaban sa group play. Ibuhos na nila attention nila doon,” ani Vargas sa dalawang panalong kailangan ng Gilas sa group play papasok sa susunod na round o maging best Asian team na kukuha ng automatic berth sa 2024 Paris Olympics.

Plano ni Gilas coach Chot Reyes na magkaroon ng mga training camps at mga tuneup matches sa ibang bansa.

Inaayos na ang training camp sa Lithuania at ilang pocket tournament sa US laban sa mga US NCAA Division 1 teams.

“I think if we come in with the game that we brought in 2014, it’s not gonna be enough. We have to be much, much better. And I hope that from now to then, we can find a way to really become a much better team,” sabi ni Reyes.

Si Andray Blatche ang naturalized player ng Gilas na tumalo sa Senegal noong 2014 World Cup sa Seville, Spain.

Sa sumunod na World Cup edition sa China ay kulelat ang Nationals sa No. 32 at minalas sa limang laro.

vuukle comment

JORDAN CLARKSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with