^

PM Sports

laban sa pang-apat o sasadsad pang-anim?

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Tama kaya ang prognosis ng ating mga opisyales na marami pang natitirang Pinoy aces na mananalo ng ginto at hahatakin ang ating contingent sa fourth-place finish sa 32nd SEA Games sa Phnom Penh, Cambodia?

Sana tumama.

Dahil sa pagtatapos ng mga laban noong Miyerkules, nasa pang-lima na ang Philippines sa medal tally at bahagya lamang ang abante sa sixth-running Singapore.

Rumatsada na ang defending overall champion Vietnam at dikdikan sa second place ang host Cambodia at Thailand at umalagwa sa fourth place ang Indonesia kontra Philippines.

Simula sa araw na ito eh, limang araw na bakbakan na lamang ang natitira at magtatapos na ang kauna-unahang SEA Games na ginawa sa Cambodia.

Matapos ang malakas na arangkada ng mga host athletes, humupa na ang kanilang sipa at maaaring lagpasan na ng mga traditional contenders.

Matibay ang paniniwala ni Philippine Olympic Committee president Bambol Tolentino na iba ang kalagayan ng Team Phl dahil umaasa siyang magde-deliver ang mga sasalang pa lamang na mga Filipino bets.

Tiwala siya sa kakayahang humakot ng medalya ng mga boxers, weightlifters, taekwondo jins, arnis experts, kick boxers at pencil silat fighters.

Pero siyempre, may natitira pa ring panlaban ang Indonesia at Singapore. Kailangang sumabay ng mga Phl bets upang magkatsansang matapatan ang kanilang fourth-place finish sa 31st SEAG sa Hanoi.

Matatandaang humakot ang Team Phl noon ng 52 golds, 70 silvers at 104 bronzes.

Sa Phnom Penh bago magsimula ang aksyon kahapon, tangan nila ang 26-43-55 medal harvest.

Mabigat ang laban.

vuukle comment

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with