Gin Kings winalis ang Beermen
Para sa ika-2 sunod na PBA finals stint
MANILA, Philippines — Sasalang sa kanilang ikalawang sunod na PBA Finals appearance ang Barangay Ginebra.
Ito ay matapos bumangon ang nagdedepensang Gin Kings mula sa 18-point deficit sa third period para resbakan ang San Miguel Beermen, 87-85, sa Game Three ng 2023 PBA Governors’ Cup semifinals series kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Kinumpleto ng Ginebra ang 3-0 sweep sa San Miguel sa kanilang best-of-five semis showdown papasok sa best-of-seven championship series katapat ang mananalo sa semis duel ng TNT Tropang Giga at Meralco.
Humakot si import Justin Brownlee ng 22 points, 14 rebounds, 4 assists at 2 steals at naglista si Christian Standhardinger ng 14 markers, 17 boards at 7 assists.
“We only led the last 10 seconds of the game,” sabi ni coach Tim Cone. “It was amazing that they stuck to the game like they did.”
Nagmula ang Gin Kings sa paghahari sa nakaraang PBA Commissioner’s Cup kung saan nila tinalo ang guest team na Bay Area Dragons.
Ito ang ikatlong sunod na Governors’ Cup Finals ng Ginebra at target ang pang-16 korona sa kabuuan.
Pinamunuan ni import Cameron Clark ang SMB sa kanyang 16 points at 10 rebounds.
Bumalikwas ang Gin Kings mula sa 44-62 pagkakabaon sa third quarter para agawin ang 85-82 abante sa huling 26 segundo ng final canto.
Ang triple ni Marcio Lassiter ang nagtabla sa Beermen sa 85-85 sa huling 26 segundo ng bakbakan.
Samantala, pinatumba ng TNT ang Meralco, 99-80, para agawin ang 2-1 bentahe sa kanilang semis wars.
Humakot si import Rondae Hollis-Jefferson ng 40 points at 13 boards.
- Latest